Pinagtaksilan ako ni GF pati Bestie!

August 13, 2019

Itago n’yo ako sa pangalang Danica.

First year high school ako noong lumipat ako sa isang Catholic school. Hindi sa pagmamayabang pero hindi naman ako pangit, kaya nagtataka ako bakit walang lalaking nanliligaw sa akin. Pero, kaya pala walang lalaking nanliligaw sa akin e dahil babae pala ang manliligaw.

Isang senior high school that time ang babaeng ito. Itago natin siya sa pangalang Andrea. Noong time na ‘yun ay inaasar niya lagi ang bestfriend ko dahil chubby ito. Hanggang sa hingin niya ang number ko dahil ite-text daw niya ako para hingin ang number ng Bestfriend ko. Naging kami na at naging okay naman ang relasyon namin hanggang sa makagraduate siya at nag-aral sa Manila. LDR kami for 2 years at noong mag-4th year high school na ako ay lumipat din ako sa Manila.

So, nakagraduate kami at nagrereview na for board exam. Ang girlfriend ko kasi ay mahilig magsurprise ng kung anu-ano. So, nagkakamessage sila ng bestfriend ko para sa pagplan ng mga surprise.

My birthday and our 9th year anniversary, we decided to celebrate it by going on a tour sa ibang bansa. When we went back, I drove from Manila to our province and I dropped her in her home. So, noong nakauwi na ‘ko sabay sabi niya na lalabas siya with friends. Sabi ko “Please wag na muna, kakarating lang natin.” Matagal akong nagpapasensya at nag-iintindi. Hanggang sa nasagad na ako at napagod na. Kaya pinapili ko siya, lalabas ka or magbebreak tayo? And guess what? Lumabas pa rin siya. Hanggang sa nasabi ko sa sarili ko na, “Okay. I’m done.” And blocked her.

After almost a week na break-up, I checked one of my social media accounts and to my shocked nagpost yung Ex-girlfriend ko ng picture with a Girl in a restaurant pero nakacover ng heart emoji ‘yung face. But then I felt something different with this photo. It felt like parang kilala ko ‘tong babaeng…
OMYGAD! Grabe naman pala ang mga ganap na nangyari kay Danica. Pero, ano nga ba talaga ang buong pangyayari sa hiwalayan nitong si Danica at Andrea?! Ito lang ba talaga o meron pang iba. Tunghayan ang susunod na mangyayari sa kwentong ‘to sa Dj Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.