Pangit ako kaya pangit din ang karanasan ko sa buhay

August 8, 2018

Si Jane ay 23 years old. Isang simpleng tao, tahimik, mahiyain, nerd, hindi marunong makihalubilo sa mga tao… PANGIT.

‘Yan ang mga dahilan kung bakit lagi siyang binubully. Nung nasa high school siya, ipinasok siya ng mga magulang niya sa isang private school.

Nakakaluwag ang pamilya nila kaya masasabi niyang hindi sila naghihirap.

Drive-thru dito, drive-thru roon ang nakasagawiang pagkain sa araw-araw.

Noong nasa Kindergarten pa lang siya, roon nagsimula ang pambu-bully sa kanya.

Ang itim niya raw, ang panget niya raw. Laging inaapakan ang mga kamay niya ng mga classmates niya para lang saktan siya, pero hindi niya sinusumbong sa mga magulang at teachers niya dahil nung panahong nagsabi siya, hindi naman daw ginawan ng aksyon.

Dumaan ang elementary, high school at college, pero wala pa ring nagbago. Pangit pa rin ang tingin sa kanya.

Comments