Pamangkin ko ang asawa ko?!

July 10, 2019

Itago n’yo nalang po ako sa pangalang Kyla.

Highschool ako noong nagkakilala kami ni Bryan naging masaya ang aming relasyon, puno ng lambingan asaran at tawanan. Maraming hadlang sa relasyon namin isa na doon ang aking tatay na pilit kaming pinaglalayo sa isa’t-isa at minsan nga umabot pa sa halos mabugbog si Bryan ng tatay ko.

Umabot kami ng isang taon nang ibigay ko sa kanya ang katawan ko. At, ‘di namin inakalang may mabubuong isang Bata. Parehas kaming ‘di handa at gulong-gulo ‘yung utak ko kung paano namin malalagpasan ‘to. Nag desisyon akong ipa-laglag ang anak ko kahit alam kong mali kasi natatakot ako na baka itakwil ako ng magulang ko. Hanggang sa umabot ng 4 months ‘yung tiyan ko at marami nang nakapansin na medyo nag-iiba na ang hugis ng katawan ko. At, inamin ko na ito sa Mama ko kasi gulong-gulo na rin ako.

Noong araw na inamin ko sa Mama ko ang araw din na umalis ako sa amin na kasama si Bryan. Lumuwas kami ng Maynila dahil sa sobrang takot naming dalawa. Halos 8 months akong walang contact sa pamilya ko kasi nahihiya ako sa nagawa ko. Hanggang sa kabuwanan ko na at ‘yung tatay ko na mismo ‘yung nagtext saakin at pinapauwi na n’ya ako. At ‘di ko akalain na sa pag uwi ko’y ilalayo pala kami ng Papa ko kay Bryan, kami ng anak ko.

Pero, kalaunan’y natanggap din ni Papa si Bryan dahil sa mga nakita nitong sipag gayundin naman ang kanyang pamilya at naging masaya ang mga ito.

Isang araw nandoon ako sa sala nila at doon gumuho ang mundo ko Kasi habang nakaupo ako sa sala doon ko napansin ang diploma ng tatay n’ya na nakasabit sa may ding-ding nila, ‘di ako makapaniwala sa nakita ko…

Ano kaya ang nakita ni Kyla at siyang ikinaguho ng mundo nito? At, teka bukod pa sa nalaman niya mayroon pa ‘tong ibang ikinatatakot. Tutukan ang kwentong ‘to sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.