Pamangkin ako ng sarili kong Nanay!

September 11, 2019

Itago niyo ako sa pangalang Janella

Si Daddy ay isang government employee. Alalang-alala ko pa na noong bata ako, madalas akong dalhin ni Papa tuwing Christmas Party nila at lilibutin namin ang buong building nila para makahingi ng pamasko sa mga ka-opisina niya. Ang laging tanong ng mga kaopisina niya sakin ay “Oh nasaan si Mommy mo?” Sasagot lang ako ng “nasa bahay po.”

Naging normal sakin ang sigawan at sakitan nina Mommy at Daddy. Alalang-alala ko pa, isang araw, may pinapanood ako sa tv sa sala ng bigla akong makarinig ng malakas na kalampog na para bang may cabinet kaming bumagsak, ‘di nagtagal ay mabibigat ang paa ni Mommy na bumababa sa hagdanan. Umiiyak noon si mommy, tiningnan niya ako at akmang hahawakan nang biglang nagsalita si Daddy ng “hindi ka na nahiya sa anak mo. Huwag mo siyang isama.”

Hinalikan ako ni Mommy sa noo, niyakap ako at umalis na siya.

Awwww. Nakakalungkot naman ang Secret File ni Janella. Malaman niya kaya ang pinag-ugatan ng away ng kanyang pamilya? At paanong nalaman nitong pamangkin lang “daw” siya. Sundan ang susunod na kwento sa Dj Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.