Naghintay nang “will you marry me?” (part 2)

July 11, 2019

Itago niyo nalang ako muli sa pangalang Ann at eto ang karugtong ng secret file namin ni Daddy.

After ko sumalat sa Dj Raqi’s Secret Files, napakinggan ko ang aming kwento ni Daddy. Pagkakita ko pa lang sa “waiting for ‘will you marry me’”, feeling ko parang kwento ko na ‘yon at hindi nga ako nagkamali.

Oo, Bangladeshi siya, pero kakaiba siya sa pangkaraniwang Bangladeshi. Marami nga nagsasabi na ang swerte ko daw sa kan’ya kasi nakikita nila kung gaano niya ako kamahal. At take note, hindi po siya mabaho at alaga niya ang katawan niya lalung-lalo na ang appearance niya kasi araw-araw siyang humaharap sa guests. Bago siya mag bakasyon, nagkita kami sa Male dahil miss na namin ang isa’t-isa. Nag-stay kami nang 3 days sa Male bago ang flight niya going to Bangladesh.

Nagising ako nang wala siya sa tabi ko, kaya tinawagan ko siya, sabi ko “where are you?” sabi nya, nagkita lang daw sila ng Uncle niya kasi may ipapadala ito pauwi ng Bangladesh. Tapos sabi ko “ah ok.” tapos natulog ulit ako. Nagising ako na may parang humahalik sakin, pagdilat ko nakita ko na nakatingin lang siya sakin at nakangiti. Sabi ko pa nga “why are you smiling and why are you looking at me?” and then, sabi nya lang “I love you so much.” Ngumiti lang ako tapos sabi nya, magready ako kasi kakain kami sa labas, sa favorite restaurant namin. Habang papunta kami sa favorite restaurant namin, parang hindi siya mapakali na para bang kinakabahan siya. Tumingin ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya, sabay sabing “are you okay, Daddy?” sabi niya “yes dont worry.”

Pagbaba namin ng taxi sabi ko sa kaniya C.R. lang ako at after ko mag C.R., hinahanap ko siya hindi ko siya Makita. At sinubukan ko siyang tawagan. Sabi niya umakyat daw ako sa taas kasi nauna na siya.

Ako naman s’yempre umakyat na sa taas. Pero habang paakyat ako…

Bonggacious! Ano kayang maabutan ni Ann sa itaas ng paborito nilang resraurant?! It’s time na ba o may iba pang naganap?! Tutukan ang mga susunod na mangyayari sa Dj Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.