Na-adik ako sa online games kaya nawala sila!

June 24, 2020

“Nagkukulong na lang ako lagi sa kwarto ko kasi lagi ko silang naiisip. ‘Di ako mapakali, lagi ‘kong kino-contact sila pero unattended lagi.”

Itago nyo na lang ako sa pangalang Clint, 25 years old.

Marami na akong nalaruan na mga MMORPG (Massively Multiplayer Online Role-Playing Game). Dati rin akong member ng isang grupo sa amin ng online gamers. Halos palipat-lipat din ako ng school dati kasi lagi ako dina-drop out kasi nga lagi akong absent dahil sa paglalaro.

Naka-graduate din ako ng highschool kasi tita ko ang isa sa mga teachers ko doon. O, ‘di ba? sino ba namang ‘di makaka graduate? Pero, talagang masasabi kong adik talaga ako sa computer. Walang araw na ‘di ako nakakapaglaro. Dumadayo pa kami sa iba’t-ibang probinsya para lang maglaro at pumusta para magka-pera.

Sundan ang susunod na kwento sa secret file ni Kabisyo Clint sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.