May GF at anak, pero naglasing, lumandi, nagkasakit, dinugo, nategi

June 13, 2019

Itago na lang ninyo ako sa pangalan na KD 23 years old, meron akong girlfriend halos magli-limang taon na kami ng GF ko, at itago natin siya sa panalan na hubby, masaya naman kami na nagsasama ng GF ko.

Tanda ko, meron isang babae na lumapit sa’kin at sinabing “KD, tara ihahatid na kita sa inyo. Sabi ko “Kaya ko tohh! ‘Wag mo ako pakialaman.” Sabi niya “‘Wag ka na makulit ihahatid na kita sa inyo.” Sabay sabi ko “Sige na nga mapilit ka eh.”

Mag-iisang oras na hindi ko alam kung nasaan na ako. Pagtingin ko malapit na kami sa motmot, sabi ko “Anong ginagwa natin dito? Sabi niya “‘Wag ka mag-alala, meron lang ako nalimutan sa loob kukunin ko lang.” Sabi ko “Sige bilisan mo.”

Lumipas ang ilang sandali ay inilabas niya ako sa kotse niya.  Sabi ko “Bakit anong problema? Bakit mo ako binababa? Sagot niya “‘Wag ka mag-alala. Magpapahinga lang tayo dito. Eh hindi ko na kaya pang iuwi ka, baka kung mapaano pa tayo!” Sobrang hilo ko noong araw na ‘yun eh, tapos inihiga niya ako sa kama at hinubadan ng damit kasi basang basa na daw ako ng pawis. After niya ako hubaran ay inakay niya ako papuntang CR. Sabi niya “Paliliguan lang kita para mahimasmasan ka.” Sabi ko “Anong magagawa ko? Hubad na ako eh!” After niya ako paliguan ay nakita ko siyang naghuhubad. Biglang napalaki ‘yung mata ko at parang nahulasan ako.

At dun na nga, meron na nangyari sa’min. Natukso talaga ako noong time na ‘yun, kasi sino ba ang hindi matutukso sobrang ganda niya at napaka sexy at ang laki ng papaya niya. Pero hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o ano.

Lumipas ang isang linggo, paggising ko nung umaga ay parang naglalaway si junjun ko. Sabi ko “Bakit kaya naglalaway to?” Noong una, hindi ko pinansin kasi baka naiihi lang ako. Pero hindi nagtagal ay pasakit na nang pasakit ‘yung paglabas ng nana sa junjun ko, hindi ko pa din pinansin. Hanggang isang araw dugo na ang nalabas sabi ko bakit kaya ako nag kakaganito at natakot na nga ako.

Nakooo! Anong meron sa junjun ni KD? Bakit may mga lumalabas na keme? Tutukan ‘yan sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.