Masaya at kuntento ako sa pamilya ko kahit wala kaming pera

July 24, 2020

“Oh, napabili ka yata ng lamesa, Ma, ah?”

“S’yempre para kapag birthday mo, marami kang handa na mailagay, ang liit kasi ng lamesa natin e.”

Itago niyo na lang po ako sa pangalang Ren.
Lumaki ako sa piling ng buong pamilya kong mapagmahal at masasabi ko na kuntento ako sa pamilya ko kahit na wala kaming pera.

Buong buhay ko wala akong hinangad kung hindi ang kaligayahan ng mga magulang at mga kapatid ko. Makita ko lang silang masaya, masaya na rin ako.

Ang dami naming pinagdaanan, minsan kumakain kami ng lugaw dahil nga wala talaga kaming pera, nagkataon pa na nawalan kami ng kuryente at tubig sa dati naming inuupahan. Pero, alam mo ba? Tsinitsismis pa kami ng kapitbahay namin na kesyo hindi raw kami nagbabayad ng kuryente.

Sundan ang susunod na mangyayari sa secret file ni Kabisyo Ren sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.