Magsiping daw para tumibay ang relasyon namin

September 25, 2019

Itago niyo nalang po ako sa pangalang, Angel.

Year 2013, 4th year high school ako noon, may nakilala akong isang lalaki ang pangalan ay Ace. Matangkad at masasabi ko na may itsura siya. Ang mga kaibigan ko noon ay may mga boyfriend, kaya naman noong niligawan ako ni Ace, sinagot ko agad. Wala, trip ko lang at para may masabi na boyfriend at dahil siguro naiinggit lang ako sa mga kaibigan ko.

Hanggang umabot ng isang buwan, hinarana pa ako noon sa tapat ng classroom namin kasama mga tropa niya. Sweet naman siya kaso lagi nga lang siya nakikipag break sakin ng ‘di ko malaman ang dahilan. Basta ayaw na daw niya, hindi naman ako pumapayag.

Grabe naman ‘yung ganitong sitwasyon, sino nga ba ang may mali? Si Angel o si Ace na laging nakikipag break sa hindi malamang mga dahilan. At bakit dumating sa kinakailangang may mangyari pa sa kanilang dalawa para lang masabi na titibay ang kanilang pagsasama? Pumayag nga ba itong si Angel? Sundan ang susunod na mangyayari sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.