Magpatuli para lumaki ang mga gusto nating lumaki

June 21, 2019

Dahil SPG Friday ngayon, laughtrip ang Secret files ngayong araw mga Kabisyo!

Ang letter sender natin ay taong bahay kaya naman siya ang magpapaligo sa kanyang kapatid na sampung taong gulang. Bongga ‘di ba, 10 years old ‘di pa rin makaligo mag-isa. HAHAHA!

Habang naglalagay ng shampoo, tinanong niya ang kapatid niya kung handa na ba itong magpatuli. Dahil takot, sumagot ito ng ayaw pa niya. Pero si Ate siyempre inalis ang takot ng kapatid at sinabihan na hindi naman masakit magpatuli.

Para lalo pang bolahin ang kapatid niya, sinabi pa ni Ate na lalaki daw ang bird niya kapag nagpatuli! Mas popogi daw si utol kapag nagpatuli ito. Siyempre, gullible si kapatid kaya napangiti ito at parang naniwala.

Noong sinasabon na si kapatid, tinanong niya ulit ang Ate niya: “Totoo bang lalaki ang ito (nakaturo sa bird niya) kapag nagpatuli ako?” At sumagot si Ate: “Oo mas lalaki pa ‘yan!”

Sumagot ulit ang kapatid: “So dapat pala magpatuli ka din Ate para lumaki din ‘yang dede mo!”

Super Pak Ganern Secret Files!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.