Inilagay ko sa aking bag ang supot na may lamang jebs

August 3, 2018

Love Radio

May babala ang ating letter sender na si Mocha dahil ito raw ang secret file na pinakanakakababa, nakakahiya at nakakadiring pangyayari sa buhay niya.

Wala siyang kaalam-alam na susunduin siya ng boyfriend niya sa kanilang bahay para kumain lang daw saglit sa labas, pero napaisip siya na baka sumama ang lagay ng tiyan niya dahil uminom siya ng slimming tea kaya iniisip niya na baka bigla siyang magkalat ng dumi.

Birthday party pala ng kapatid ng boyfriend niya kaya may handaan, pero nung unang kagat pa lang niya ng pagkain, humilab na agad ang tiyan niya. Sinabi niyang gagamit siya ng comfort room kaya binigay ng boyfriend niya ang direction papunta roon.

Nang makarating siya sa CR, sinimulan na niyang ilabas ang sama ng loob niya… Literal na laman ng loob ng tiyan niya. Nung pinindot niya ang flush, hindi pala ‘to gumagana kaya hindi pa lumulubog ang jebs niya.

Nag-isip siya ng mga paraan para maitago ang jebs niya, pero sa sobrang pagmamadali dahil sa pagkatok ng boyfriend niya sa pintuan, dinakot na lang niya ang jebs niya ng plastic na supot ng grocery na nakita niya at agad-agad na inilagay sa loob ng bag niya.

Ano pa kayang mga kaganapan sa nakakalurkei na secret file ni Mocha? Panoorin mo na, Kabisyo!

Comments