Ibinenta siya ng nanay niya sa halagang 100K

June 25, 2019

Isang gabi, nakatanggap sya ng isang mensahe mula kay Rahja ipinaalam nya ito na nasa tapat sya ng bahay nila at gusto niyang magkausap sila.

Ngunit biglang nagising ang mama niya at tinanong siya kung bakit sya aalis ng oras ng gabi. Umamin naman ito agad at sinabing nasa labas si Rahja gusto niya akong makausap, ngunit tinutulan sya ng Mama niya. Nung oras na ‘yon biglang bumuhos ang malakas na ulan at naghihintay lang si Rahja.

Ikinulong siya ng kuya niya sa kwarto nito dahil nagpupumiglas siyang makalabas para sa taong mahal niya. Ilang beses syang nagmakaawa pero wala itong nagawa at alam nya sa sarili nya na kahit sobrang lakas ng ulan naghihintay ang babaeng pinakamamahal nya sa labas ng bahay nila na basang basa.

Kinuha ng mama niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang isa sa mga kaibigan nila upang masundo si Rahja sa labas para maihatid pauwi sa bahay nila. Sobrang hinang-hina sya nung gabing ‘yon.

Pero kahit ganun pa man ang nangyari patuloy parin sila sa pa-sikretong pagkikita nila na humantong sa barangayan, nakita sila ng mama nya na magkasama at binugbog si Rahja ng Mama nya. At ng nasa barangay na ito akmang hahampasin na si Rahja ng upuan ng Mama nya, nang mapigil ng Mama ni Khaizer ang paghampas dahil niyakap niya to ng mahigpit. Masakit sa parteng ‘yun, noong tinanong ng Kapitan si Rahja kung mahal ba niya si Khaizer, sumagot ito ng hindi sabay labas at bagsak ng pintuan.

Bakit kaya ganito na lamang ang kinalabasan ng pag-iibigan ni Rahja at Khaizer? Bakit hindi ang sagot ni Rahja noong tinanong siya kung mahal niya ba si Khaizer? Tutukan ‘yan sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.