Gusto kita, gusto mo ako, pero nagkakagusto ka rin sa lalaki.

June 6, 2019

Ngayong Pride’s Month: She likes him. He likes her but he likes boys too.

Halos tatlong buwan palang tayong magkakilala noon pero ano bang meron sa’yo? Sa araw araw nating pag-uusap, nahulog ako sa’yo. Dumaan ang ilang linggo na parang sasabog na ako, sinabi ko sa’yo na pakiramdam ko ay nahuhulog na ako sa’yo.

Sinunod kita, hindi ako nawala. Nagpatuloy ang araw araw nating pag-uusap. Pero imbes na makaahon, parang mas lalo akong nahulog. Nahulog ako ng sobra dahil sa mga pinakita mo at pinaramdam mo.

Ilang araw rin ang pinalipas ko bago ko nagawang sabihin sa’yo ang nalaman ko. Nagpaliwanag ka at sinabi mong hindi ka na masaya sa kanya.

Nung gabing ‘yun,  tinanong kita kung bakit ganun yung mga pinakita mo sa akin. Sabi mo kasi nade-develop ka na rin, na mahal mo na rin ako.

Sinabi ko sayong lalayo na ako sa’yo dahil hindi na tama. At hindi ko na kaya. Pero kinabukasan lang, kinausap mo na naman ako. Naging okay tayo pero pagkalipas ng isang linggo, tinopak nanaman ako at lumayo sa’yo.

So ano naman kayang patutunguhan ng animo’y hangalan  na nangyayari sa pag-ibig niyang ito? Tutukan ‘yan sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.