Grabe ang laki ng pating! Kasya kaya sa lambat?

July 5, 2019

Puro katatawanan lang ang hatid satin ng SPG Secret File kasama si Raqi Terra!

Naikwento niya sa akin na meron daw siyang malupit na karanasan, bata pa daw siya noon noong nangyari yun. Sa probinsya sila naninirahan noon at dahil malapit sila sa dagat, pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng pamilya.

Isang araw, tanong daw niya sa tatay niya: “Tay, marami po ba kayong nahuling isda?”

Ama: Oo anak. Ayan oh, puno ang lambat natin.

Anak: Wow! Eh bat wala pong pating?

Ama: Mabangis ang pating anak. Hindi ako humuhuli nun. Mahirap hulihin yun. Tsaka nakakapatay ‘yon.

Anak: Owwsss?!! Eh bakit si Mama kanina, may nahuli silang pating. Narinig ko sila ni Ka Berto kanina dun sa kwarto.

Ama: Ha? Anung sabi?

Anak: Sabi ni mama, “Grabe, ang laki ng pating mo Berto! Magkasya kaya sa lambat ko ‘yan?!” Tapos sabi nman ni Ka Berto, “Pagkakasyahin naten. Humanda ka na, papasok na ang nagngangalit na pating sa lambat!”

Ama: Anak ng pating!!

Anak: Teka lng Tay! ‘Di pa tapos! Tama ka nga Tay, mahirap hulihin ang pating kasi nakailang labas sila sa lambat. Sabi pa ni Mama, “Nagwawala ang pating mo. Ipasok mo na ulit sa lambat, Berto! Dalian mo!”

“Tama ka rin Tay na mabangis ang pating kasi narinig ko yung ipit na sigaw ni Mama, tsaka medyo may ungol pa nga si Ka Berto e.”

Nahirapan talaga sila Tay! Buti na lang nung huli, nanghina ‘yung pating kasi sabi ni Ka Berto, “Nanlata na ang pating. Napagod masyado.”

Pero may mali ka rin Tay kasi hindi nakakapatay ang pating kase sabi pa ni Mama, “Grabe yung pating mo, binigyang buhay ang buong katawan ko. Wooohh!”

Naloko na? Na-gets mo ba ang istorya ng bata? Tutukan mo ‘yan sa Raqi Secret Files para gets na gets mo! HAHAHA!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.