Dahilan kung bakit ipinagpalit ng asawa ko ang buhay niya sa halagang 300 pesos

August 6, 2018

Love Radio

Sabi ng karamihan, maganda naman daw si “Bebe”, pero hindi talaga siya pumapasok sa isang relasyon kaya NBSB (No boyfriend Since Birth) siya. Maraming mga lalaking gustong manligaw sa kanya nang dahil sa kagandahan niya, pero sadyang hindi pa niya gusto.

Isang araw, may nakilala siyang isang pedicab driver na nagngangalang “Kel” na pinipilit na manligaw sa kanya. Masasabi niyang hindi ito kagandahang lalaki, sobrang panget daw nito kaya talagang positibo siya at ang pamilya niya na hindi ito sasagutin ni “Bebe”.

Laging pinapasaya ni “Kel” si “Bebe” kaya talagang ikinatuwa ito ng letter sender kahit sobrang corny nito.

Dumating ‘yung araw na naging magkaibigan sila kaya talagang kilala na nila ang isa’t isa.

Namatayan si “Kel”ng Lola na talagang kasa-kasama niya simula nung bata pa siya kaya ito ang naging dahilan para mawala ang saya ng buhay ng manliligaw ni “Bebe”.

Nangulila si “Bebe” sa kasiyahan na nabibigay ni “Kel” sa kanya kaya siya na ang gumawa ng paraan para manumbalik ang pagiging masiyahin nito.

Paglipas ng mga araw, may nangyari sa kanila dahil nadatnan ni “Bebe” na lasing na lasing si “Kel” sa bahay nito kaya sinunggaban agad ito ng letter sender.

Nagbunga ang kanilang ginawa kaya sinabi nila ito sa magulang ng babae. Binugbog si “Kel” ng tatay ni “Bebe” hanggang sa may tumatagas ng dugo sa ilong nito, pero pagkatapos ng lahat, natanggap pa rin ito ng mga magulang ng babae.

Nagsama sila sa iisang bahay. Nagtrabaho si “Kel”. Habang pauwi si “Kel” sa bahay nila, napagtripan siya ng mga lasing sa kalsada. Kinukuha sa kanya ang kinita nitong pera na 300  pesos, pero hindi ito pumayag kaya pinagbubugbog siya hanggang sa pinagsasaksak dahilan kung bakit hindi na siya umabot ng buhay sa ospital.

Mag-isang binubuhay ni “Bebe” ang anak nila ni “Kel” kasama ang mga magulang nito. Malungkot man ngunit kailangang magpatuloy sa buhay.

Comments