Ang mabait kong tita ay parausan ng lalaki

July 11, 2019

Nakakalungkot ang secret file na ito. At, hindi ito tungkol sa akin kundi tungkol sa tita ko. Itago niyo ako sa pangalang Wendy at ito ang secret File ng Tita Victoria ko.

Tandang tanda ko pa noong maliit ako kung paano kami asikasuhin ng tita ko. Kapag wala ang mama at papa naming magkakapatid, siya ang nagaasikaso sa amin. Siya ang magluluto, magpapaligo sa amin at higit sa lahat siya ang number one pasimuno ng mga gala namin. Sagot niya lahat, ganoon kagalante ang tita ko palibhasa wala siyang anak na iniintindi o sariling pamilya.

Lumipas ang panahon, tumuntong ako ng high school. Napapansin kong sa tinagal-tagal naming kasama si Tita Victoria ay never pa siyang nagpakilala ng kahit sinong lalaki sa amin na boyfriend niya o manliligaw. Ultimo sa trabaho niya sa isang restaurant bilang manager, wala siyang naipapakilala sa amin. Sa pagkakataong yun, 40 years old na si tita at maganda naman siya, matalino, madiskarte at masipag.

Hanggang sa isang araw, hindi ko makakalimutan to. Nasa hapag kainan kami noon pamilya, si Mama si Papa at ang dalawa ko pang Kuya. Bumukas ang pinto, pumasok si Tita at ilang segundo pa ay may pumapasok din na isang lalaki sa bahay. . moreno, matangkad ito, maayos ang pangangatawan, macho at may hitsura, kung tutuusin kahawig nito si Richard gomez na bagets. Pinakilala ni Tita samin si Paeng. Hindi niya tunay na pangalan. At sinundan ito ni tita ng Si Paeng, boyfriend ko.

Iniisip ko nung panahon na yun na baka kamag-anak namin si Paeng pero habang nasa lamesa kami’y hindi na nakapagpigil ang Papa ko na tanungin si Paeng kung ilang taon na ito, sumagot ito ng “25 years old..”

Hayyyyyy! Mukhang bagets na bagets ang naging jowa ni Tita ah! Pero, ano nga ba ang nagpalungkot nang sobra kay Wendy? Tunghayan ang kwento ni Tita Victoria sa Dj Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.