Ang hirap nang walang tinapos

August 7, 2019

Itago niyo po ako sa pangalang Rex..

11 years old na ako nakapag aral ng grade 1 year 2003  at habang nag-aaral ako noon ay tumutulong din ako sa mga magulang ko, 9 kaming mag ka-kapatid kaya lang nagpaalam na ang isa naming panganay na kapatid na lalaki.

Una palang nagka problema na sila mama at papa dahil nalaglag ang isa naming kapatid na lalaki sa isang puno at napilayan ang kanyang kaliwang paa at  dinala siya  sa hospital  ng dumaguete. Gulong- gulo ang mama at papa ko noong mga panahon na ‘yun kung saan sila kukuha ng pera dahil nakautang na rin sila sa mga iba pang  kapatid ni mama at hindi parin sapat ang pera para sa gastos sa kapatid namin kaya napag-usapan nalang nila mama at papa na ibenta nalang ang lupa namin at nabili ito ng kapatid ni mama at ginastos ‘yun sa kapatid namin na nasa hospital.

Pero nang gumaling na siya, nagtrabaho siya bilang kasambahay at sumunod ako kay Kuya at namusakan din ako bilang kasambahay. Minsan naiyak nalang ako pero tiniis ko ‘yun dahil mahirap lang kami pero minsan masaya naman  kaming magkakasama, at naging Girlfriend ng kuya ko ang isang babaeng kasambahay din. At nang mga panahon na ‘yun umuwi narin ako sa amin para mag aral at ang kuya namin nalang ang naiwan. Pero, hindi pa ito nagtatapos dahil dumating na naman ang maraming problema..

HALA!! Mukhang malungkot ang naging karanasan nitong si Rex.. Pero, tunghayan ang susunod pang mga mangyayari sa buhay ni Rex sa Dj Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.