Yeah! One week na nga after #AliwanFiesta2019!

Ang alam mo bang grabe ang participation ng mga DJ ng Love Radio Manila sa mga ganap noong Aliwan Fiesta.

Noong Pasakalye night, nagpasiklab lang naman sa sayawan si DJ Laboching kasama ang XtremeLab Girls! Nagpagames din sina Lyka Barista at Lala Banderas ng sarili nilang version ng HepHep Hooray!

Host naman noong Reyna ng Aliwan Pageant Night si DJ Raqi Terra. Kabogera ang ate mo dahil hindi lang siya nag-host, rumampa pa siya sa Aliwan stage sa kanyang shining shimmering red gown.

Noong 3rd day naman ng Aliwan Fiesta, nagpasabog sa opening number ng Awarding Ceremonies sina Lyka Barista at Tanya Chinita. At siyempre, for the longest time, hosts pa rin sina Chris Tsuper at Nicole Hyala para sa announcements ng mga winners!

Bongga!

Comments

Follow us on Instagram

We use cookies to ensure you get the best experience on Loveradio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.