‘Yung buwan ng August na yata ngayong taon ang may pinakamagandang line up ng mga artists sa 365 Live on Catch 22 Pilipinas!

August 1 siyempre binuksan natin ang buwan na Ben&Ben agad ang guest artist! Woooow! Kung anong dinami ng members ng banda, ganun din naman ang dami ng nag-abang at nanood!

August 8 ‘di nagpakabog ang dalawang casts ng Rak of Aegis! So lagi nating ipromote ng OPM para sa ating bansa!

August 15 naman ang guest ay parang hindi naman tumatanda. Fresh as always, at siyempre ang talent ay bongga pa din, walang iba kundi si Barbie Almalbis!

August 22 ay tampok ang isa sa pinaka-bet mong banda, ang Sponge Cola! Dadalhin ka lang naman ng bago nilang hit single sa “Manila Bay!”

At hindi nagpahuli nitong August 29 ang napakahaba ng hair na si KZ Tandingan!Walang kakupas kupas sa kakulitan at talent at imposible mo na yatang hindi mapansin ‘yun!

So, kumpletos rekados tayo this August ha! Abangan ang mga guest artists natin sa mga susunod na linggo sa 365 Live on Catch 22 Exclusive!

 

Comments

Follow us on Instagram

We use cookies to ensure you get the best experience on Loveradio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.