Pinangarap kong magkaroon ng peras

June 20, 2019

Gusto niyang magkaroon ng peras. Pero bakit peras? Sa’ting mga Pilipino, ang peras ay isa sa mahal na prutas kung bibilhin at ito rin ay simbolo ng karangyaan. Kumbaga kapag mayroon kang peras, bigtime ka.

At iyan ‘yung simpleng pangarap ng ating letter sender ngayong araw na ito. Lagi niyang pangarap ang makakain ng peras. Pero dahil sa kahirapan nilang pamilya, hindi siya makabili nito. Mas inuuna na niya ang mga gastusin sa bahay at ang pag-aaral ng mabuti kaysa unahin ang pagkaing nagke-crave siya.

Well, paulit ulit naman na nating napag-uusapan ang mga ganito. Walang tagumpay ang hindi mararating kung hindi dahil sa tiyaga at pagsusumikap na ginagawa natin. Kaya goodluck sa’yo Kabisyo. Good luck sa lahat ng hamon sa buhay mo.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.