Napakahirap maging OFW

May 6, 2019

Maraming kwento ang umiikot pagdating sa mga karanasan ng mga OFW sa iba’t ibang mga bansa.

Mayroong mga manggagawang Pilipino ang swerte dahil sa malaki na ang kita, mababait pa ang mga amo. Meron namang, ‘di pa naman nakakarating sa bansang pagta-trabahuhan, masaklap na ang karanasan: illegal recruiter, mataas na placement fee, manyak na amo, bugbog sarado sa amo, kaliwa’t kanang trabaho at walang sapat na benepisyo.

Mabuti man o hindi ang istorya, hindi talaga madali ang maging OFW. Kaya maging reminder sana ‘to sa lahat ng anak at kamag-anak ng isang OFW na laging maging masigasig habang ang kanilang kapamilya ay nagta-trabaho sa ibang bayan.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.