Nahuli kong may tinatagong picture namin sa wallet niya

September 12, 2019

Ito ‘yung mga love story na malamang hinulma na ng panahon. Meron siguro sa’tin mga Kabisyo, na kung sino ‘yung jowa noong high school ay sila na rin ang nakatuluyan.

Marahil ‘yung iba sa atin ay magsasabi na wala ‘yan sa tagal ng panahon o sa haba ng pinagsamahan. Pero dito natin makikita na kapag ang foundation bilang mga taong nagmamahalan ay matatag, nagiging matatag din ‘yung pagsasama hanggang sa huli.

Sa kaso ng kwento galing sa Mahiwagang Burnay, napakaganda dahil wala namang nagmadali. Magkaibigan noong una naging magjowa kalaunan. Maganda rin ang naging revelation, dahil sa isang picture lamang sa wallet nagsimula na ang mga itinatagong nararamdaman.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.