Nagbunga ang lahat ng paghihigpit ni Nanay

June 18, 2019

Noong una, hindi maunawaan ng ating letter sender ang tila ba pambabalewala sa kanya ng nanay niya. Ang title nga ng sulat na ginawa niya para sa radyo ay “Mahigpit si Nanay.”

Pero ito ‘yung hiwaga ng buhay, na ang mga ganitong klaseng kwento sa pamilya ay siyang nagdudulot sa isang tao na maging matatag at magpursige sa buhay.

Noong nagkasakit at namatay ang kanyang nanay, talagang nag-iba ang daloy ng buhay ng letter sender. Siya na ang tumayong ina ng mga kapatid niya. Nagsumikap at nagtrabaho at ngayon nagpapagawa na ng bahay at nabibili na niya ‘yung mga gusto ng mga kapatid niya.

Marahil ang lahat ng kanyang pagsusumikap ay bunga na rin ng paghihigpit ng kanyang ina sa kanya.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.