Major major buking si Major!

May 30, 2019

Katulad kahapon mga Kabisyo, ang istorya ngayon ay katulad din ng sitwasyon kahapon.

Nasa mid-40s na ang edad ni Zia at ang kanyang asawa ay mid-50s. Ang asawa niya ay isang major officer sa kasundalohan.

Limang taon ng nakakalipas, natuklasan niya na ang kanyang major husband ay silahis pala. Nagulat siya. Pero sa halip na kausapin ang asawa, tinago niya sa mahabang panahon hanggang ngayon. Pinili niyang hindi sabihin dahil sa posisyon ng asawa niya, papunta na ito sa retirement, marami na ring sakit na iniinda at ito daw ang bumubuhay sa kanila.

Sabi ng Tambalan: selfless ito dahil mas tiningnan ni Zia ang wider picture of the situation. Sa kanyang pagkimkim ng sikreto ni Major Husband, hindi na niya naisip ‘yung aspeto ng panloloko sa kanya at siyempre hindi na niya inisip ‘yung kanyang nararamdaman, pati na rin ang kapakanan ng pamilya.

Pero ang tanong: Hanggang kailan magkikimkim si Zia?

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.