Laging namamatay ang umiinom sa mga tasa ni Lolo Tata

May 15, 2019

Grabe ang katalinuhan ng sumulat ng Mahiwagang Burnay ngayong araw na ito na wari’y sumasalamin sa uri ng politika na meron tayo sa ating bansa.

Pero isa lang naman ang pumukaw sa mga kwento ng bawat tasa. Kapag sobra, nakakamatay. Sobrang politika, nakakamatay. Sobrang workaholic, nakakamatay. Sobrang makilatis, ayun napraning, namatay ang magandang sistema. Sobrang pagbulag-bulagan, kakainin ng sistema, namatay na tuloy ang sariling prinsipyo.

Para hindi mapunta sa kamatayan ang ating bayan, marapat lamang na ipinapasa sa iba ang liderato ng komunidad pero importante din na alalahanin ang mga aral ng mga nakaraang namuno.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.