Hugutin lagi ang kagandahan sa ating buhay

September 26, 2019

Isa na siguro sa  mga masaklap na bagay na mangyayari sa’tin ay mamatayan tayo ng mga mahal sa buhay. Mamatayan ng mga mahal sa buhay lalo na  ‘yung mga magulang natin ay lalo pang mas masakit.

Sabi ng iba, hindi daw maiiwasan na maliligaw tayo ng landas kapag ang mga magulang ang nawala sa atin . Ayan mismo ‘yung naging karanasan ng ating letter sender. Pero hindi ito nagtagal.

Ang kagandahan ay anuman ang nangyari sa kanya matapos siyang iwan ng kanyang mga magulang ay ‘yung tiningnan na lamang niya ang kagandahan ng buhay at lalo pang pinagtibay ang kanyang kalooban sa pagtahak dito.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.