‘Di bale ng manakawan, ‘wag lang masunugan

March 11, 2019

Mahirap nga naman talaga ang masunugan. Kung tutuusin, basta’t mawalan tayo ng mga ari-arian na ating ipinundar ay mawawala na lamang bigla.

Mahirap umahon sa trahedya lalo’t walang naiwan. Mahirap unawain ang mga bagay lalo’t nangyari ito na hindi natin kontrolado ang mga circumstances. May mga bagay na hindi natin maunawaan pero alalahanin natin, lahat ‘yan ay may dahilan.

Sa kabila ng lahat, maraming magandang bagay ang nangyayari sa atin sa pagdaloy ng panahon at matapos man ang trahedya. Dito lumalabas ang pagkakataon ng tulungan, lakasan ng loob, pagsusumikap at ‘yung perspektibo ng pag-take ng risk kahit ano pa man ang maging epekto nito.

Pakiusap lamang na huwag maging daluyan ng ating kaligayahan ang paghihirap, ang pagdurusa ng ibang tao.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.