Tanya Chinita

Tanya Chinita

Real name: Ilyn Atanacio Lara

Dream name: Materyales Puertes

Dugtungan: “ikinaganda/ikinapogi ko ang…”: Ang camera 360

Madalas kang nahuhuling kumakain ng singkamas, kamote at saging. Saan ka namamalengke?: Namamalengke agad? Di ba pwedeng may tanim muna tatay ko?

Naaapektuhan ka ba sa tuwing tataas ang presyo ng prutas at gulay?: Hindi, tanim ng tatay ko yun makulit ka.

Sino ang inspirasyon mo sa pagpapa-sexy ng katawan?: Ellen Adarna at saka si Tanya Chinita

Kailan nagsimula ang pagkahilig ng isang Tanya Chinita sa musika?: 2 years old kumakanta na ko sa church eh, baka nung ipinanganak ako

Amoy ng hininga meter: (rate 1-10) ; 1=alam mo na, 10=mabango ng super bongga: 5 lang, may braces kasi ako minsan bumabantot yata tlga

Ano sa tingin mo ang magiging reaksyon mo kapag naging super yummy na ang ex mo?: Hindi yun mangyayari, ako yung ex niya, ako lang ang magiging yummy.

Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na maging isang sikat na singer, ngunit kailangan mong isuko ang pagiging dj, ano ang gagawin mo?: Pwedeng sabay yun, bakit yung mga artista sabay umarte at maging singer? Si Anne Curtis nga kaya eh, ako pa hahahahhh

Ano ang mas gusto mo, hugs or kisses? (pwede din ang both): Hug na lang baka sumabit sa braces ko