Lyka Barista

Lyka Barista

Real Name: Joynilou Sebarria Babor (sa mukha niyo nalang ako husgahan wag na sa pangalan haha!)

Dream name: Basta yung pang mukhang mayaman, ok na! haha!

Pinaka-challenging na parusa na natanggap mo mula sa TaranTanong?: Yung maglasing-lasingan ako sa taxi pero mas nagmukha akong nababaliw.

Sa pagkanta mo ng “Tara Na” Star City jingle, sino ang niyayaya mo ng “tara na”?: Yung mga walang pang entrance fee sa star city, like my friends.. you know (para kunwari mabait)

Kailan mo na-diskubre na may pagka-contortionist ka?: nung nadulas ako sa doormat sa bahay namin, dun ko napagtanto na kaya ko palang tiisin ang sakit. Haha chos! Doon ko nakitang may talent naman pala ako kahit papaano.

TARANTANONG (sagutin with all honesty): Kaya kong amuyin ang kili-kili ni __________ in 30 minutes. JC DE VERA kahit wala ng alisan pabor pa sa’kin yun..sus!

Ilang beses ka kung mag-hilod?: Hilod? anu yun? Well, ‘di ako naghihilod, wisik-wisik lang sapat na! tipid pa!

Dugtungan: “Ikinaganda/Ikinapogi ko ang…”: Maraming aircon sa paligid, pampaliit ng pores. Para fresh lagi! Hahaha!

Gaano ba ka-sexy si Lyka Barista?: It’s for me to know and it’s for you to find out.

Amoy ng hininga meter: (rate 1-10) ; 1=alam mo na, 10=mabango ng super bongga – naglalaro sa 10 at 10!Haha! Char!