Kristine Dera

Kristine Dera

Real name: Ivanne Colleen Cabahug Parrilla Mercado y Alonzo Realonda (hahahaha ay! Kay Doc Jose Rizal na pala yun!)

Edad: 17, este 27 pala hahaha! AGAIN proud 27 🙂

Awards/Citations Received: Top Brand Awards Best 2011 Outstanding Broadcast & Entertainment Radio Host (Female)

– Best Choice Awards 2014

Dream name: LANDO! Hahaha! (umpisa pa lang, wala ka ng makuhang matinong sagot sakin noh? harhar mwah!)

Paano nagsimula ang “HARHAR” kung karamihan ng tao ay “HEHE” o “HAHA” ang ginagamit? Paki-explain, now na!: mamaya na, busy ako! Excited??!Hahaha #AyanTayoEh #Harhar hahaha! Pero sige para kumalma ka na, nagsimula ito nung isang araw, gusto ko lang umarte! Wala naman sa batas na bawal umarte diba? So yun na! Una kong ginawa yun, na-cute-an ang boss ko eh! So sinanay ko na mag-harhar every now and then! Paaaaaak!!!

Sa tingin mo tataba ka pa kung limang beses kang kakain ng kanin sa isang araw?: Uhmm, hindi! Pang-dyosa kasi hulma ng katawan ko. Eh wala kayang dyosang mataba! Choz! Hahaha #AyanTayoEh #Harhar

Kung magiging isang TLC The Drama Special episode ang buhay mo, ano ang title nito?: May pag-title? Paano kapag marami akong gustong mangyari sa buhay, pwede ba mahaba yung tipong first page pa lang, puro titles lang laman? Hahaha #Harhar! Ano ba? Ah alam ko na! Ang kwento ng mahiwagang diwata! (mula sa mahiwagang burnay ng tambalan! Harhar!)

Bakit iniidolo mo si Beyonce?: e bakit ho nangengealam ka? Kapag sinabi ko bang she’s my half sister o nawawalang kambal, maniniwala ka ba? Hahaha #AyanTayoEh #harhar! Pero seriously speaking, sya ang may idol sa akin! Kaya kapag nakikita nyo ko kung bakit lagi ko pinapanuod ang mga videos nya, dahil binabantayan ko kung ano na naman ang latest na GINAYA nya sa’kin! Ganyorn! hahaha!

Kung may pagkakataong i-remake mo ang music video ng “Run The World”, paki-describe ang magiging phenomenal dance steps na ipapauso mo? : tekaaaaa… dapat ata si Beyonce ang dapat na mag-bago ng step nya sa Music Video ng Run The world! Kasi ginaya nya lang naman sakin yun! Wala syang originality! Shocks! Hahaha. At tekkkaaaa ang hirap mag-describe with action kapag in written ang mga bagay-bagay ha! Yung totoo? Hahaha #AyanTayoEh

Ano ang physical asset ng isang Kristine Dera?: All of the above! From head to toe! Ganyorn! Hahaha! Pero para kay Papa Jack na may dating pagnanasa sakin (Boo!!! Hahaha), my biggest asset, as in LITERAL, mata!!! Kung di siguro malaki ang mata ko, di siguro ako dyosa! (yes! Aminadong dyosa? Kapal ha! Ahahaha #AyanTAyoEH #Harhar).Pagbigyan, huwag basag trip! Hahaha

Maliban sa sarili mo, kung ikaw ay magiging hayop, ano ka?: Hoy! Dyosa ako!!! Hahaha anyway, back to your mahiwagang katanungan… kung ako’y magiging hayop, puppy!!! Kasi ako ay everybody’s bestfriend! Masasandalan, maaasahan,hindi nga lang mauutangan! Toink! #AyanTayoEH #Harhar.

Ano ang mga paborito mong kalikutin?: Sarili ko… sarili kong cellphone! Ayoko naman maging bastos noh na kalikutin ang cellphone ng iba! Unless may permiso nila kapag nagpaalam akong “Hi, pwede bang kalikutin ko ang cellphone mo?” (in malambing talk)

Next question pleasssseee!!! Ay wala na? Anu ba yan! Hahaha!