Si Barbie Almalbis daw Bampira?

August 15, 2019

Kalurkei ang unang tanong ni Shai Tisai kay Barbie Almalbis ay kung bampira ba daw ‘to?! At ano naman kaya ang sagot niya kay Shai Tisa at parang totoo nga’t hindi ito tumatanda!

Pero kahit na team takwarents na si Barbie, game na game pa rin nitong sinagot ang mga literal na nakaka brain pain na tanong tulad ng tungkol sa pagkakaroon ng separate C.R para sa mga LGBTQ+ members. At, ang naglalagablab na tanungan sa Six Minutes with Barbie na tumatatlong beses daw sa isang araw?! Ano kaya ‘yun?! HAHAHAHAH!

Walang kupas pa rin naman talaga ang tugtugin ni Barbie kung saan kinanta nito ang isa sa mga kantang isinulat nila ng asawa niya na tungkol sa pusa nilang may title na “Tigre.”
Panoorin mo na Kabisyo!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.