Ang selos look ng The Vowels They Orbit!

September 12, 2019

Shai Tisai, pinahalata mo naman masyado ang saya mo sa pagbisita ng The Vowels They Orbit sa 365 Live ngayong araw at talaga namang napa-uniform ka pa ha with their exclusive and official shirt ng banda na ka-matchy-matchy pa ni Tanya Chinita! Hayyys, sana all! HAHAHAH!

Naging safe naman ang batuhan ng sagutan ng isa sa mga fast-rising OPM bands na The Vowels They Orbit sa Brain Pain na kung saan e parang bawat hibla lang ng mga bituka ng banda ay iisa! HAHAHAHAH! Pero, mas mabuti nang safe kaysa sa may mabuo… na maling INFO! Hay nako! Ang tindi rin talaga ng pagkakatago ng kulit ng bandang The Vowels They Orbit ahh! Pero sa Six with them, ginalingan naman talaga masyado! PAANO AT BAKIT NGA BA ANG LAHAT NANG ITO AY NANGYARI SA STUDIO?! Alamin mo na Kabisyo kung sino ‘yung member nilang nakaka-pitong beses sa isang araw.. at ‘yung 13 years old pa lang daw siya noong first time niyang ginawa ito?! Hmmm, KAKALURKEI!

Sa 5 minutes live performance naman e ipinaramdam ng banda ang nararamdaman nating hindi natin masabi-sabi sa kanilang single na may title na “Selos.”

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.