90.7 Love Radio, 101.1 YES! FM at DZRH Operation Tulong namahagi ng relief goods sa Tondo, Manila


August 16, 2012 | Thursday | 2:56 p.m.


Buhay na buhay pa rin ang diwa ng bayanihan sa puso ng bawat Pilipino.

Kamakailan lamang ay sinalanta ang ilang kababayan natin ng matinding pag-baha dala ng walang humpay na pag-ulan dahil sa isang habagat.

Libu-libong pamilya ang napilitang magsilikas sa mga evacuation centers para makaiwas sa posibleng aksidente dulot ng walang tigil na pag-ulan.

Bilang tugon sa pangangailang ng ating kababayan, nagsanib-pwersa ang 90.7 Love Radio, 101.1 YES! FM at DZRH Operation Tulong para makapag-hatid ng munting tulong sa mga kapwa nating nangangailangan.

Noong August 10, tinungo ng Love Radio at YES! FM DJs kasama si Mr. Andy Vital ng DZRH at ilang volunteers ng DZRH Operation Tulong ang mga evacuees ng Baseco, Tondo, Manila.

Sa pakikipag-ugnayan din sa mga barangay officials at otoridad ng Tondo, maayos na naisagawa ang pamamahagi ng relief goods.

Naabutan ng mga ready-to-eat foods ang mga nasa evacuation area tulad ng loaf bread, biskwit, canned goods, bottled water, juice na nasa tetra pack, at may mga dagdag pang gamit pampaligo.

Bagamat simpleng tulong lang ang ating naihatid sa ating mga kababayan, ang mga ngiti at pasasalamat naman mula sa kanilang mga labi ay ‘di matatawaran.

GIRL OF THE MONTH

TOP 10

Just Give Me A Reason
P!nk  | Play | Lyrics
One Thing
One Direction  | Play | Lyrics
Blurred Lines
Robin Thicke  | Play | Lyrics
Titanium
David Guetta  | Play | Lyrics
Bespren
Yeng Constantino  | Play | Lyrics
Bumalik Ka Na Sa'kin
Silent Sanctuary  | Play | Lyrics
Kung Sakali Man
Michael Pangilinan  | Play | Lyrics
Roar
Katy Perry  | Play | Lyrics
Wrecking Ball
Miley Cyrus  | Play | Lyrics
Magkabilang Mundo
Jireh Lim  | Play | Lyrics

POLL

  • Site Counter


    2,945
    Visitors
    Visitors
    Powered By Google Analytics