13 katao sa Mindanao patay sa Bagyong Egay

September 6, 2011 | Tuesday | 9:48 am

DZRH NEWS

Umaabot na sa 13 katao ang namatay epekto ng Bagyong Egay at ng mga pagbaha sa Mindanao.

Sa magkahiwalay na report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nag-iwan umano ng isang patay ang Bagyong Egay, habang 12 naman ang namatay sa mga pagbaha sa Mindanao.

Epekto ng Bagyong Egay, namatay ang tatlong taong gulang na bata sa Dinalupihan, Bataan.

Patay naman sa mga pagbaha sa Mindanao sina Noli Hiso, Pendatun Akmad, Roberto Argoncillo Jr., Romel Argoncillo, Rudy Aperado, Paulino Canja, Ugto Unos, Ramos Unos, Danilo Tolentino at Deah Mae Tolentino ng North Cotabato;

Patay rin sina Warda Kumiling ng Cotabato City at Ely Orfracio ng Davao del Norte.

Aabot naman sa 703 libong katao ang naapektuhan ng mga pagbaha sa Regions 10, 11, 12 at ARMM habang libo-libo ring pamilya ang naapektuhan ng mga pagbahang dala ng Bagyong Egay sa Bataan, Bulacan, Pampanga, Zambales at sa Camanava area ng NCR.

Back

GIRL OF THE MONTH

TOP 10

Just Give Me A Reason
P!nk  | Play | Lyrics
One Thing
One Direction  | Play | Lyrics
Blurred Lines
Robin Thicke  | Play | Lyrics
Titanium
David Guetta  | Play | Lyrics
Bespren
Yeng Constantino  | Play | Lyrics
Bumalik Ka Na Sa'kin
Silent Sanctuary  | Play | Lyrics
Kung Sakali Man
Michael Pangilinan  | Play | Lyrics
Roar
Katy Perry  | Play | Lyrics
Wrecking Ball
Miley Cyrus  | Play | Lyrics
Magkabilang Mundo
Jireh Lim  | Play | Lyrics

POLL

  • Site Counter


    2,945
    Visitors
    Visitors
    Powered By Google Analytics