Taong 2006 nang magkaroon ng contribution ang bandang Frio sa mga hit songs sa music scene sa Pilipinas.

Nagsimula iyan noong nag-debut ang kanilang carrier single na “Alive,” na under pa noong ng Alpha Records, kasabay rin ito ng paglabas at pagsikat ng iba’t ibang OPM rock bands. Matapos nito ay ang pag-release din ng mga kantang “Could have Been” at “Parapa” na agad ding nakapasok sa mainstream dahil na rin sa kaliwa’t kanang appearance ng banda sa mga radio stations at live TV.

Kasama rin ang Frio sa soundtrack na “Sana Maulit Muli” na na-achieve ang Gold Record Award status noong 2007 at kasabay nito ang award na finalist ng GMA 7 na “SOP Breakthrough Band of the Year” at ng ABS-CBN, sa “ASAP Yearend Countdown.”

Taong 2011 nang mag-release ang banda ng kanilang pangalawang album under naman ito ng Synergy Music na may title na “Overboard” na may hit single naman na “Hanggang Dito na Lang,” na lagi namang pasok sa MYX Top 20 Countdown. Sinundan naman ito ng mga hit single na “Nag-iisa” at “Amen.” Nominated naman ang banda sa kanilang contribution sa music industry. Sila ay Best Duo/ Group Artist, Rock Artist of the Year at Rock Album of the Year sa PMPC Star Awards for Music.

Naging performer pa ang Frio sa mga nationwide concert tulad ng Tanduay Rock Tour, TM Astigfest, SMB Oktoberfest, Cossack Vodka Slamrock Tour, Radyo? Dalawa Lang Yan! Concert Tour at marami pang iba. Nag-record din sila ng mga commercial soundtracks tulad ng Love Radio Jingle, Star City Jingle and DZRH Station ID. Frio has endorsed Dickies Eyewear, FG Jeans and Center for Pop Philippines.

Ngayong taon, magre-release ng panibagong album ang Frio laman ang kanilang mga remastered songs na mula sa kanilang mga early compositions noon. Iyan ay nagging posible dahil sa pagsama sa kanila ng Eat Bulaga Music Hero drummer-finalist na si Matt Bravante. Ang lead vocalist na si Chris Sison, guitarist na si Archie Lim at bassist na si Raz Itum ay lahat galing sa Zamboanga City, ay ngayon ay very instrumental sa pagbuo ng OPM alternative-rock anthem na Frio.

Maaari niyong i-follow ang bandang Frio sa kanilang official Facebook account @FrioMusicPH .

Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

TEASER

PERFORMANCE

HAGILAP

OKAY LANG

FULL INTERVIEW

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.