Si Christopher ay isang Danish pop sensation na kitang kita na mayroong international appeal. Siya ay isang 23-year-old singer, songwriter at musician.

Sa lahat ng naging artist sa Denmark, siya na siguro ang mayroong pinakamalayo ang narrating. Nakatanggap siya ng apat na Danish Music Awards, ito ‘yung equivalent ng Grammys sa kanilang bansa. Nakapag-perform na rin siya sa harap ng mahigit 600,000 na mga tao. Umabot sa 50 araw na nag-number 1 spot ang kanyang kantang “Told You So” sa Spotify at umabot pa ito ng 110 million na plays.

Lumaki sa isang lugar na tinatawag na Kastrup na nasa Copenhagen, ang capital city ng Denmark. Nagsimula siyang tumugtog ng gitara noong siya’y 12 year old pa lamang. Nanalo siya sa isang songwriting contest sa kanyang unang pagsali at dahil umano ito sa kanyang pag-idolo kina John Mayer, Jason Mraz at Jack Johnson. Ang kagandahan, nanalo pa siya sa mga sumunod na taon sa parehong contests.

“I thought when I was fifteen that I was ready to conquer the world,” he states with a tinge of embarrassment at his teenage naivety. That confidence probably comes from the love from my Mum and Dad, and hearing people say that you’re good at something from a young age really helps.” Sabi ni Christopher.

Sa kanyang ikatlong album, parang gusting ulitin ni Christopher ang kanyang success sa Denmark papunta sa international scene.

Mula sa kanyang mga inspiration na sina Bruno mars, Justin Timberlake, at Michael Jackson, nagiging multinational mainstream experience, kasama ang Nordsoe brothers at Beal, kasama pa nila ang mga collaborators na sina Madcon at Coffee Clarence Jr.

“If the past is any indicator of the future, this new album will see Christopher taking another giant step forwards. I’m hoping I’ll be able to step into some other territories across Europe, and I’ve always dreamt of making a breakthrough in the States,” he concludes. “Right now, I’m just trying to enjoy every second of being able to do what I like the most – playing music and travelling with my band.” Dagdag pa ni Christopher.

Maaari niyong i-follow si Christopher sa kanyang Official Facebook Page @ChristopherMusicDK .

Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

HIT SINGLE

Ironical by Christopher

Heartbeat by Christopher

 

FULL INTERVIEW

 

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.