Yes, dalaga na talaga siya!

20 years old na ngayon si Sharlene San Pedro at patuloy na namamayagpag sa kanyang career bilang isang aktres, Vj at singer.

Nakilala at sumikat noon bilang isang child star sa comedy sitcom para sa mga bagets na Goin’ Bulilit sa ABS-CBN. Lumabas na rin siya sa iba’t ibang mga series at pelikula tulad ng “Mga Anghel na Walang Langit,” “Callalily,” “Wansapanataym,” “Class of 2018,” at marami pang iba. Sa kasalukuyan, siya ay Vj para sa MYX.

Nag-release ng unang hit single niya si Sharlene na may title na “Pa’no Ang Lahat” noong November 16, 2018. Ang Pa’no Ang Lahat” ay pasok sa New Music Friday Philippines ng Spotify at Women of OPM playlist. Pasok din ang hit single sa Top 200 Pop Tracks sa iTunes Philippines at nag-rank #27 sa Top 200 All Genres Charts.

Ang music video ng “Pa’no Ang Lahat” ay na-release noong January 9, 2019 sa direksyon ni Jaime Pacena II.

Para sa karagdagang updates, maaari niyong i-follow si Sharlene sa kanyang mga social media sites: @TheOfficialSharleneSanPedro sa Facebook, @sharlenesanpedro1 sa Twitter at @shar_sanpedro sa Instagram.

Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

HIT SINGLE

 

FULL INTERVIEW

 

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.