Handa nang magdala ng mga bagong kanta on air at online! Mayroon nang kontrata ang Agsunta sa ilalim ng DNA Music at kasabay nito ay naglunsad din ang banda ng bagong awitin na may titulong “Alas Dose.”

“Masaya kaming maging bahagi ng DNA family. Finally, may pagkakataon nang magkaroon kami ng sarili naming musika,” ayon sa bagong Kapamilya band.

Ang ballad single na ito ay mula sa komposisyon ng bokalista ng banda na si Jireh Singson.

Ibinahagi ng Agsunta na magiging bahagi ng kanilang nalalapit na album ang “Alas Dose” at ang comeback single na “Bagong Umaga” na inilunsad noong Marso.

“Tumutugtog kami para sa mga taong mahal ang musika namin,” dagdag ng Agsunta, na handa nang maghandog ng OPM sa mga fans na naghihintay ng kanilang bagong album.

Isa lamang ang grupo sa mga bandang pumirma sa ilalim ng DNA Music kamakailan. Isang record label sa ilalim ng ABS-CBN Music, naglalayong suportahan ng DNA Music ang local bands industry at palaganapin pa ang handog na OPM ng mga lokal na banda.

Pakinggan ang bagong single ng Agsunta na “Alas Dose” sa digital platforms at panoorin ang official music video nito sa YouTube.

Maaari niyon i-follow ang bandang Agsunta sa kanilang official Facebook page @Agsunta.

Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

TEASER

PERFORMANCE

BAGONG UMAGA

PATAWAD NA

ALAS DOSE

FULL INTERVIEW

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.