Kahit na nagging roller coaster ride ang kanyang 2018, ready na ngayon si Snati Dope na mag-release ng isang panibagong hit single.

Nang mai-release ang kanyang “Materyal” EP noong December 2017, na-enjoy nan i Shanti dope ang kanyang success dahil sa 40 million Spotify streams dahil sa kanyang hit single na “Nadarang” na mayroon ding 26 million hits sa Youtube. Dahil diyan, siya ay nakarating na rin sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at sa Amerika at nakapag-collaborate na rin siya sa mga OPM sensations na IV of Spades at mga international stars na sina Krayzie Bone at Mimi at gayundin ang appearance niya sa track na “Almost Love” kasama ang singer-songwriter na si Sabrina Carpenter.

Ngayong 2019, mag-release si Shanti Dope ng panibagong hit single na siguradong magiging swak sa pandinig ng mga millennials. Ang kanyang bagong music track ay “Amatz” na produced ng kanyang long-time collaborator Klumcee.

Ipapakita lamang ng hit single na ito ang mga bagay na nagustuhan ng fans kay Shanti Dope at sa mga kanta nito na kitang kita naman na hooked at close sa buhay niya ang mga ito. May bagong feature ngayon na “oriental flavour” kung tawagin na lalo pang magpapa-hype sa mga fans at mga bagong listeners. Ang 17-year-old na si Shanti Dope ay mag-showcase sa atin ng style at may bonues pang mga hard-hitting verse sa kanyang kanta.

Ayon kay Klumcee, ang kantang “Amatz” ay nagpapakita ng ating relasyon sa kalikasan. Nagpapaalala din ito na dapat lahat ng nakikinig sa kanya ay may awareness sa pangangalaga nito lalo na sa mga synthetics at chemicals na sumisira dito. Ginawang banger type ang kanta para lalo pang ma-enjoy ng mga nakikinig at lalo pang maramdaman ang vibe at message ng kanta.

Available ang “Amatz” sa iTunes, Apple Music, Spotify, Deezer, and Amazon simula March 22, 2019, under Universal Records.

Maaari niyong i-follow si Shanti Dope sa kanyang official Facebook page @shantidope . .

Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

TEASER

PERFORMANCE

NADARANG

MATERYAL

AMATZ

FULL INTERVIEW

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.