Binuo noong 1998 ang British-Norwegian boy band na A1.

Ang original nilang line-up ay binubuo nila Paul Marazzi, Christian Ingebrigtsen, Mark Read at Ben Adams. Lahat sila ay galing sa London maliban kay Ingebrigtsen na mula sa Oslo, Norway.

Nagsimula ang pagsipa ng kanilang caree noong 1999 nang makapasok sa UK Singles Chart ang kanilang debut single na “Be the First to Believe,” kung saan pumatok din ito sa Southeast Asia noong 2000. Wagi din ito ng BRIT Awards sa UK bilang “British Breakthrough Act” noong 2001.

Sa hindi inaasahang pangyayari, dahil sa mga isyung personal, napilitang kumalas sa grupo si Paul Marazzi noong 2002. Sinundan din ito ng pagkalas ng tatlo pang natitira matapos ang apat na taon.

Taong 2009, muling binuo nila Christian Ingebrigtsen, Mark Read at Ben Adams ang A1 sa kanilang mga naging concert sa Christiana Theatre sa Oslo, Norway. Sa kanilang pagbabalik, nakapaglabas din sila ng mga hit single at pati na rin ang kanilang pang-apat at pang-limang. nagrelease sila ng album na may title na “Waiting for Daylight” noong 2010 at “Rediscovered” noong 2012.

Noon lamang 2017, ang tatlo na sina Christian Ingebrigtsen, Mark Read at Ben Adams ay nakipag-meeting kay Paul Marazzi para sa kanyang pagbalik s abanda matapos ang 15 taon. Siya ay sasama sa kanyang bandang pinagsimulan sa kanilang 20th anniversary tour kung saan kasama ang Pilipinas sa kanilang dadaanan para mag-concert.

Maaari niyong i-follow si Mark Carpio sa kanyang mga social media sites.

Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

HIT SINGLE

Like A Rose/Armour by A1

FULL INTERVIEW

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.