Nagsimula ang bandang Jeremiah noong summer ng 1998 kasama pa ang kanilang original members na sina Rolando “Olan” Crizaldo, Piwee Polintan, Froilan “Froi” Calixto, Glenn “G” Gonzales and Al Nievera.

Ang grupong ito ay binuo ni Larry Hermoso, ang composer ng sikat na kanta na “Nanghihinayang” na siya namang nagging unang hit single ng grupo.

Naglabas naman ng unang album ang grupo na may title na “Heart and Soul” mula Star Records. Hindi nagtagal ito ay nakatanggap ng award na Gold Record sa loob lamang ng tatlong linggo. Nagtagal din sa charts ng 20 weeks ang carrier single na “Nanghihinayang.”

Noong sumunod na taon, nakatanggap ng parangal ang Jeremiah na “Best New Group Singer/Entertainer” mula sa Awit Awards at “Most Popular Group Entertainer” mula sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc.

Nagkaroon muli sila ng self-titled album na nakilala naman dahil sa kantang “Bakit Ka Iiyak? na siya namang pinerform ng bagong nilang member na si Symon Soler na pumalit kay Al Nievera.

Mula naman sa Viva Record ang pangatlo nilang album na may carrier single naman na may title na “Basta’t Ikaw.”

Taong 2001, umalis sa grupo si Glenn G para mag-aral sa Amerika. Nag-desisyon ang grupo noon na ‘wag munang palitan si Glenn G at manatili na lamang na bandang may apat na grupo.

Nagsimula ang kanilang mga Concert Tour noong 2002 sa kanilang US Concert Tour. Taong 2003 naman sa Japan at naulit muli sa US. Parehong taon nang magbalik sila sa Maynila at nag-desisyong mag-solo ng career si Symon Soler kaya naman siya ay pinalitan ni Mico Mauleon.

Taong 2012, nag-record ng panibagong single na may title na “Panagko Mo” n ani-release naman ng Star Records.

Nagkaroon ang banda ng isang successful comeback concert noong 2014 na may title “Love and Laughter” sa Zirkoh kasama sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Taon namang 2015, nag-record naman sila ng panibagong hit single na may title na “Sana” na mula naman sa 8TriMedia Pro.

Maaari niyong i-follow ang official Facebook page ng Jeremiah @jeremiahbandph .

Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

TEASER

PERFORMANCE

FULL INTERVIEW

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.