Nagsimula ang lahat nang mag-viral ang kanyang video sa Youtube noong 2013 at umabot ito nang humigit kumulang 10 million views. Diyan nagsimula ang career ng isang Jireh Lim.

Lumaki at nag-aral sa Dasmariñas, Cavite pero nagpapabalik balik siya noon sa United States at sa Maynila dahil doon nakatira ang kanyang ina at ang kanyang mga kamag-anak.

Nagsimula siyang magpatugtog ng gitara noon pa lamang siya ay 13 years old kung saan siya nakahanap ng inspiration sa musika. Nagsimula rin siyang gumawa ng mga kanta noong siya ay 16 year old pa lamang siya. Ang unang kanta na kanyang isinulat ay may title na “Stars Fade” at nananatiling favorie pa niya hanggang ngayon.

Dahil hindi umano magaling sa paglalabas ng nararamdaman sa harap ng maraming tao ay mas minamabuti niyang isulat na lang ang ito at gawing kanta. Katulad ng iba ring mga artists, isinusulat ni Jireh ang mga experience ng iba’t ibang tao. Masaya siya kapag nakakarinig siya ng mga compliments sa mga kantang isinusulat niya lalo kapag sinasabi ng mga tao na nakakapagpawala ng sakit ang kanta kapag naririnig nila.

Si Jireh ay isang Music major sa University of Santo Tomas sa Maynila at ayon sa mga nakakakita at nakakarinig sa kanya, impressive daw talaga ang kanyang mga live gigs.
Sa mga video niya sa Youtube ay naka[ag-attract siya ng mga netizens sa buong mundo mula pa sa kanyang kantang “Buko.”

Sa ngayon, mayroong bagong hit single si Jireh na may title na “Parusa” tungkol ito sa pinagdadaanan ng isang umaasa sa pag-ibig ng isa.

Maaari niyong i-follow si Jireh Lim sa kanyang Facebook Page @jirelim214

Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

HIT SINGLE

Parusa by Jireh Lim

FULL INTERVIEW

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.