Noong 2012, nagsimula siyag bumuo ng banda mula mismo sa kanyang pangalan, NEY.

Ipinanganak bilang Rhoneil Dimaculangan o mas kilala natin sa tawag na “Ney.”

10 years old pa lang daw ‘tong si Ney ay naging vocalist na daw siya ng banda na ang pangalan ay “Angel in Disguise.” Hindi nagtagal ay pumunta siya sa Maynila upang mag-aral sa Centro Escolar University at kumuha ng kursong Conservatory of Music.

‘Yung mga music influences daw ni Ney ay ang Rivermaya, Eraserheads, The Beatles, Matchbox20, Live, at ang Nirvana.

Nakipag-collaborate na rin naman si Ney sa iba’t ibang mga artists tulad nina Cookie Chua, Francis Magalona, Raymund Marasigan, ryan Cayabyab, Yeng Constantino, pati na rin si Dello.

Hindi lang pang-kantahan at rakrakan si Ney, siya rin ay nagta-trabaho bilang sound engineer, music producer, song arranger, composer at video editor.

Mayroong bagong single si Ney ngayon na ang title ay “Bahala Ka.” Kasama niyang nag-promote nito ay sina Patch Sanchez (Lead Guitarist), Lui Lopez (Bassist & Back up Vocals), Arnee Escobedo (Rhythm Guitars & Back up Vocals) at si Andrew Dianga (Drummer).

Maaari niyong i-follow si Ney Dimaculangan sa kanyang official Facebook page @neydmacmusic .

Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

TEASER

PERFORMANCE

FULL INTERVIEW

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.