Sabi ng ilan: ang mga pagbabago daw ang maganda. Tiyak naman na nakaka-relate ang bandang Freestyle sa kasabihan iyan!

Sa nakalipas na dalawang dekada, sa pagpalit palit ng ilang miyembro ng banda, sa evolution of sound na kanilag tinatawag, patuloy pa ring umaarangkada ang Freestyle at sa katunayan ay hindi pa sila tapos dito.

Hindi maikakaila ang kanilang presence sa local music scene, ang bandang ito ay sumasabay sa panahon, nananatiling bata sa kanilang “air of art.”

‘Yung management ng banda sa mga bagay bagay ang nagpapatibay sa kanila. Kung sila’y tatanungin kung anong sikreto, sasabihin nila na hinaharap lang nila ang mga pagsubok na may optimism at positivity.

Ngayon ang Freestyle ay tumutugtog pa rin sa local music scene dala dala ang mga bagong style at flavour na siya naman kagigiliwan ng mga nakikinig sa kanilang music. Sa katunayan, si Ava na sole female vocalist ay nandoon pa rin sa mga music hits katulad ng “So Slow;” si Joshua na vocals at keyboards naman ay may sariling rendition ng “Half Crazy;” si Mike na nasa vocals at keyboards din ay humahataw sa kanyang mga Michael Jackson cover.

Nakapag-release ang Freestyle ng kanilang independent album na may title na “Mga Kwentong Kinanta,” na nagpapakita na ang Freestyle ay patuloy na sumasakay at nage-explore ng mga bago at pagbabago sa kanilang sariling music at sa trend ngayon.

Alam ng Freestlye kung paano magtrabaho kahit na may mga kanya kanyang responsibilidad ang bawat isa at siyempre patuloy na sumasabay sa daloy ng tugtugan sa local music scene.

Ngayon, nag-release sila ng isang bagong hit single na mula sa Warner Music Philippines. It ay may title na “Girlfriend.”

Maaari niyong i-follow ang Freestyle sa kanilang mga social media sites.

Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

HIT SINGLE

Girlfriend by Freestyle

Before I Let You Go by Freestyle

Kahapon by Freestyle

FULL INTERVIEW

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.