Isa na siguro sa mga minahal, pinaka-influential at mulit-awarded na banda sa Pilipinas ay ang Rock Alternative Pop Band na Moonstar88.

Nabuo ang Moonstar88 noong February 1999 kung saan natagpuan nila ang kanilang pagiging banda at hilig sa musika habang sila ay nasa kolehiyo, noong sila’y nasa Maynila pa. Madalas silang magsama-sama sa mga club at mga kapihan at ang kanilang mga live acts sa mga colleges and universities kahit na sila ay galing pa sa iba’t ibang mg abanda at unibersidad.

Mas nakilala ang bandang Moonstar88 sa kanilang mga kantang may temang bittersweet, mga heartbreak music na may mga personal pang mga lyrics at may rock at alternative sound pa na mas pinagaganda pa ng saccharine vocals ni Maysh, ang kanilang vocalist.

nagpapatuloy ang Moonstar88 sa kanilang performances ng ga hit singles, classics at ‘yung mga matagal nang line up na mayroon sina Maysh, Herbert at Bon at sinamahan pa ng legendary na si Buddy Zabala sa bass noong 2016.

Maaari niyong i-follow ang Moonstar88 sa kanilang mga social media accounts: Facebook, Twitter at Instagram @moonstar88band .

Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

HIT SINGLE

Sorry

 

Migraine

 

FULL INTERVIEW

 

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.