Nagsimula ang kanyang career mula noong siya’y manalo sa talent show na The X Factor Philippines noong 2012 at ngayon ay patuloy na namamayagpag si Kristine Zhenie Tandingan o mas kilala bilang KZ sa loob man o labas ng bansa.

Noong ding 2012, agad nanalo ng Aliw Award for Best New Artist si KZ. Dahil sa kanyang mga hit single na “Mahal ko o Mahal Ako,” rendition niya ng “Two Less Lonely People na nagdala sa kanya sa Philippine Hot 100 noong 2017, ay patuloy na naging patok sa fans at pandinig ng Pinoy si KZ Tandingan.

Nitong April 2016, naging part ng girl group na DIVAS si KZ kasama sina Kyla, Angeline Quinto at Yeng Constantino.

Ngayong 2019 ay mayroong bagong hatid sa atin si KZ Tandingan, kasama pa si Shanti Dope. Ito ay ang hit single na “Imposible.” So alam mo na ‘yan Kabisyo, labanan ito ng rap! Tungkol sa isang babaeng nag-cheat sa kanyang partner ang kantang ito. Part ang kantang ito ng pangalawang studio album na Soul Supremacy na isinulat ni Gabriel Tagadtad.

Maaari niyong i-follow si KZ Tandingan sa kanyang official Facebook page @KZTandinganOfficial .

Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

TEASER

PERFORMANCE

FULL INTERVIEW

<

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.