Daya is back with her first single in 2019. ‘Insomnia’ is dreamy, dancy, and freshly evolved – mirroring Daya’s own personal and artistic evolution.

Nag-launch na ng music video ang Grammy-Award winning at multi-platinum singer at songwriter na si Daya para sa kanyang latest single na may title na “Insomnia” na under naman ng Interscope records.

Ang video raw na makikita ng mga fans ay mayroong touch ng rave culture at epic party, pero pinapakita rin dito na habang ang lahat ay masaya at nagsasayawan, si Daya ay nag-iisa sa isang madilim na kwarto, hindi makasama sa mga nagsasaya dahil sa nami-miss ang taong mahal na mahal niya. Ang video na ito ay sa direksyon ni Nick Harwood. Ipinapalabas na ito ngayon sa Time Square sa New York City sa suporta na rin ng MTV.

Available na ngayon ang “Insomnia” sa Spotify at number 1 ito sa global playlist na mayroong 22.8 million followers! Tumaas na rin si Daya sa Pop Rising at napunta na siya sa #1 spot na mayroon namang 1.5 million followers. Nadagdag na rin ang “Insomnia” sa The A-List Pop sa Apple, kung saan ito ay nasa pangalawang spot at 6th spot sa pangkalahatan.

“Insomnia,” laced with a hypnotic beat behind Daya’s trademark vocals, was written by Daya, Oscar Görres, J Kash and Michael Pollack and produced by Görres.

Maaari niyong i-follow ang official Facebook page ni Daya @theofficialdaya .

Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

TEASER

PERFORMANCE

INSOMNIA

FULL INTERVIEW

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.