Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa all-time favorite mong singer at “Father of Philippine Christmas Music?!” Walang iba kundi si Jose Mari Chan!

Unang nakita si JMC bilang host at singer ng isang TV show sa ABS-CBN noong 1966. Matapos nito ay nai-release niya ang kanyang first single na “Afterglow” noong 1967.

Matapos ang dalawang taon, nai-release naman ang kanyang long playing album na “Deep in My Heart.” Taong 1973 nang i-represent niya ang Pilipinas sa World Popular Song Festival sa Tokyo, Japan kung saan nakapasok bilang final entries ang kanyang kanta na “Can We Just Stop and Talk A While.”

Taong 1989, nai-release ang album niyang “Constant Change” na bumenta naman sa Malaysia, Singapore at Indonesia. Nanalo ito bilang Album of the Year sa Awit Awards at naabot din niya ang Diamond Record sa sales.

Taong 1990, lumabas ang kanyang kauna-unahang Christmas album na may title na “Christmas in Our Hearts.” Nakaabot ito ng triple platinum ng sumunod na taon at wagi bilang Diamond Record Award noong 1995. Mula noon ay binansagan na siyang “Father of Philippine Christmas Music” dahil sa impact ng kanyang mga awitin sa mga Pinoy na hanggang ngayon ay patok pa rin.

Pagkalipas ng apat na taon, may ni-release na album si JMC na may title na “Thank You Love” kung saan mayroon siyang kanta kasama ang noo’y si Christine Bersola at isa pang Christmas song na “Christmas Past.”

Taong 2001, nanalo bilang Album of the Year sa Awit Awards ang kanyang album na “A Heart’s Journey.”

Taong 2007 naman nang inilabas ni JMC ang kanyang 12th album na may title na “Love Letters and Other Souvenirs.”

Taong 2011, nag-release pa siya ng kanyang full-length album na may title na “the Manhattan Connection: The Songs og Jose Mari Chan kung saan si Janis Siegel ng The Manhattan Transfer mismo ang producer.

Noong 2012, ni-release ang kanyang latest at overall album na “Going Home To Christmas.” Ito ay ang kanyang pangalawang album na pamasko mula noong nai-release ang “Christmas in Our Hearts” noong 1990.

Nag-relaunch si JMC na kanyang album na “Christmas in Our Hearts” para ipagdiwang ang 25th anniversary nito.

Maaari niyong i-follow si Jose Mari Chan sa kanyang Facebook Page @josemarichan at sa kanyang Twitter account @JoseMariChan5 .

Maligayang Pasko sa inyo mga Kabisyo!

VIDEOGRAPHY

Christmas In Our Hearts by Jose Mari Chan

Please Be Careful With My Heart by Jose Mari Chan

Beautiful Girl by Jose Mari Chan

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.