Sino nga ba ang hindi nakakakilala kay “Nikki” ng Be Careful with My Heart at “Sophie Z. Cepeda” ng Oh My G?

Mahirap na nga atang maghanap ng may killer combo — yung maganda at may talent na ibubuga, ngunit pinatunayan sa atin ni Janella Salvador na hindi imposible ang mga katangiang ito.

Ipinanganak noong Marso 30, 1998 si Janella Maxine Desiderio Salvador o mas kilala bilang Janella Salvador ang bagong OPM Pop Princess ng Pilipinas.

Sa edad na apat na taon ay nagsimula nang kumanta si Janella ngunit umangat ang kanyang pangalan nang siya ay makuha sa role na Nikki sa television show na Be Careful with My Heart ng ABS-CBN kasama sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap. Sa kasalukuyan, isa si Janella sa pinaka sikat na young stars ng henerasyon. Sa following na 1.19 million sa Twitter at 1.3 million sa Instagram, at dumadami pa, sadyang mapapatunayan na malakas ang hatak at impluwensya ng nasabing 17-year old na aktres at singer sa ating mga Pilipino, sa labas at loob ng bansa.

Maari mo nang i-follow si Janella Salvador on Twitter and Instagram sa: @superjanella

janella-salvador-featured-artist-love-radio-manila-opm-pop-princess-sophie-cepada-nikki-be-careful-with-my-heart-oh-my-g-photoshoot-2

VIDEOGRAPHY

Janella Salvador, sinapawan nina Raqi Terra & Lyka Barista??

Janella Salvador sings Kailangan Pa Bang I-Memorize ‘Yan?

“Mahal Kita Pero” – Janella Salvador (Official Music Video)

Oh My G OST – “I Can” – Music Video by  Janella Salvador 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.