Like father, like son nga ba itong si Inigo Dominic Lazaro Pascual katulad ng kanyang ama na si Piolo Pascual? Kaya siguro meron silang karisma kaya sila minamahal ng tao.

Aktor,singer, dancer, endorser, model, musician at higit sa lahat isang blogger, una siyang lumabas sa pelikulang “Paano Kita Iibigin” noong 2007 at sino’ng mag-aakala na siya ay papasok sa industriya na ginagalawanng kanyang ama.

Noong 2015, siya ay nanalo ng Special Award na Male Face of the Night at naging nominado noong 2016 sa FAMAS Awards bilang Best Supporting Actor.

Ngayong taon mas maraming projects pa ang dumating sa kanya na hindi niya inaasahan at isa dito ang kanyang single na “Dahil Sa’yo,” dahil sa pagiging hit at number one spot nito sa BillboardPH Charts.

Ayon sa kanya, naging emosyonal siya ng narinig ang balita dahil bata pa lang siya ay pangarap na niya na mapasama siya sa Billboard charts.

Dahil sa pagtangkilik ng mga Pinoy ay naging hit siya sa Spotify, ITunes at iba pang music apps.

Noong July 2, inilabas ang kanyang digital concert sa ABS-CBN’s music portal One Music PH at tinawag itong “Inigo’s Playground.”

Maaari niyo siyang sundan sa Twitter @ImPascualInigo upang maging update sa mga nangyayari sa kanya.

VIDEOGRAPHY

“Dahil Sa’Yo” by Inigo Pascual

“Ikaw at Ako” by Inigo Pascual

“Dito” by Inigo Pascual

“Binibini” by Inigo Pascual

“Fallen” by Inigo Pascual

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.